Paano Ba Maging Bida?
Kelangan ba na lagi kang may kalaban, yung aapi sa yo, sasampal o kaya’y magsasabing “Kailanma’y di ka magiging masaya, ipinapangako ko yan, Mara!”?
Kelangan ba na lagi kang mukhang mahirap, gusgusin, mahina, o kaya nama’y kaawa-awa para maging effective?
Kelangan ba na sa tuwing magpapalit ang kapalaran mo (from rags to riches) ay laging may amnesia effect, bigla kang mawawala sa eksena o kaya nama’y namatay at biglang..…tadaan!!!..buhay ka na ulet at naghihiganti sa muli mong pagbabalik?
Kelangan ba na lagi kang pa-sweet effect, wholesome, upright, at may mukhang di-makabasag –pinggan para masabing fit sa iyo ang character?
Kelangan ba na laging ang make-up mo ay light, simple at fresh-looking samatalang sa kalaban mo naman ay exaggerated, over do at glamorous na minsa’y maypagka-devilish?
Kelangan ba na sa umpisa ay ituturing kang walang-alam o stupid, less-educated o kaya naman ay deprived sa matinong edukasyon at kapagdaka’y magiging chair ka na ng isang firm o kaya’y may-ari na ng isang sikat na produkto?
Kelangan ba na lagi kang nakangiti sa gitna ng lahat ng pighati, lungkot at pagsubok na iyong pinagdadaanan, at ang pagluha ay dapat senyales lamang ng pag-asa at hindi kahinaan?
Kelangan ba na hindi ka muna lalaban kapag pino-provoke ka na ng kalaban, maging mahinahon kahit niyuyurakan, maging defensive pero hindi offensive, para talagang ang sympathy ng lahat ay nasa yo sa textvotes man o sa kuwentuhan?
Kelangan ba na laging may ibang character na susulpot sa eksena, isang di mo kilala o kaya nama’y kamag-anak na nagbalik-bayan, may-alam ng sikretong nakabaon na sa limot, o isang angel kaya na magbibigay-twist sa napaka-predictable mong life?
Kelangan ba na ang susi lagi sa tagumpay mo ay ang katotohanan, nasa diary man yan o kaya’y isang bagay na isinisiwalat mo ng buong –tapang kahit kapalit nito ay pagkadelikado ng iyong buhay?
Kelangan ba na lagi kang may love-interest sa kuwento, prince o princess kaya, o pag sinuwerte pa ay dalawa para
ka-love triangle mo, para tipong mamimili ka na lang eh andami mo pang pagdadaanang gulo?
Kelangan ba talaga na laging memorize mo linya mo para sa oras na kelangan nang sabihin eh perfect ang tirada mo at standing-ovation naman ang nakikinig dito?
Kelangan ba talaga na mas marami kang eksena kesa sa iba para maka-agaw ka ng mas maraming pansin sa manonood?
Kelangan ba talaga na ganito lagi ang role ng bida para mas madaling sumikat?
Haaaay… ang hirap talaga sa totoong buhay, paano na lang kaya kung sa pelikula pa? Hehehe..

No comments:
Post a Comment